Loading...

Tuesday, October 22, 2013

"Diyos Ang Haligi"
By: Marfen John A. Estrada

                        I.       
Simleng handog para sa aking irog
Isang tulang sa’yo nawa’y bumusog
Buhat sa pag-ibig kong tumatayog
Handog sa pusong puno ng alindog

                           II.       

Minamahal kita mula no’ng una pa
Ganda mo’y dumapo sa aking mga mata
Salamat sa Maykapal’t ako’y nakakita
Nagpatibok sa puso ko’y isang dalaga

                                 III.       

Hugis ng kanyang mga mata’y bilugan
‘Sing kinang at liwanag ng reynang buwan
‘Sing dalisay ng malinis na batisan
Ramdam ko ang init nitong katubigan

                                     IV.       

Mukha nya’y kasing kinis ng palos sa palayan
Labi nya’y sintamis ng katas pulupukyutan
Paghinga nya ay aking binabantayan
Aroma ko’y mapansin presensya’y pagbigyan

                                     V.       

Buhok nya’y gumuguhit na tila kapeng mainit
Sa aking diwa at isipa’y kumikinang parang langit
Presensya niya ay sinlakas ng buLalakaw at tila nang-aakit
Mundo ko ay niyanig sa pag-ikot ay tumigil ng siya’y lumapit

                                         VI.       

Aking Diyos sa langit salamat sa pagsapit
Ng araw sa buhay na ‘di maipagpalit
Ang dalagang aking iniibig sa’kin idinikit
Ang pagmamahal niyang ni minsa’y ‘di mawaglit

                                  VII.       

Lahat sa aki'y lalo nyang pinabubuti
Sa aming pagsasama na Diyos ang haligi
Pag-ibig na sapat at ‘di nababali
Sa salapi’t kaaway kami’y ‘di pagagapi

                                      VIII.       

AKING SINTA AKO’Y PATULOY NA MABUBUHAY
SA PUSO MO’T ISIPA’Y MAGTATANGGAL LUMBAY
SA TUWINA PAGMAMAHAL KO ASAHANG AAKAY
SA HIRAP MAN O GINHAWA NG ATING PAGLALAKBAY

No comments:

Post a Comment